Nakakainis

makatangseany:

Nakakainis kasi sinaktan mo ako. Sobrang sakit ng ginawa mo sa akin. Sa bawat larawan na makikita ko na magkasama tayo, tila ba unti-unting binibiyak ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong madama. Napakasadista mo. Kung mananakit ka, magpasintabi ka naman. Hindi yaong biglaan.

Nakakainis kasi akala ko ikaw na. Ikaw na yaong mamahalin ko habambuhay. Nangako tayo sa isa’t-isa, diba? Ano ang nangyari? Bakit ganito? Iniwan mo akong luhaan at sugatan. Mahina kong puso lalo mo pang pinarupok. Sobrang rupok dahil sa sakit na naidulot mo. Kasing pait ng dagat ang dulot ng pananakit mo. Ilang alon pa bang alon ang dapat humampas sa akin, para magising ako sa bangungot na dulot mo? Bakit mo ako iniwan? May mali ba sa akin? May panahon pa ba para magbago ako para sa iyo?

Nakakainis kasi kailangan kong makalimutan ka. Kailangan ko nang burahin ang matatamis nating alaala. Mga larawang dapat ng sunugin. Mga halakhak na dapat ng ipagsantabi. Mga pagkakataong dapat kalimutan na. Aaminin ko, hindi ganoong kadali. Hindi ko lang mawari na kung bakit kung sino pa ang yaong nagmamahal nang tunay ay siya pa ang dapat masaktan at paglaruan?

Nakakainis kasi mahal pa kita. Hindi ko kayang kalimutan ka. Gusto ko nang sumuko ng isip ko ngunit ikaw pa rin ang siyang pinipintig ng aking puso. Mahal pa kita, pero kailangan na kitang kalimutan. Sana mabura lahat ng karanasan ko sa buhay. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita pinatulan. Sana manhid na lang ako. Sana hindi na ako umibig sa tulad mong mapanakit at walang pagpapahalaga. 

Nakakainis. Nagkamali ako sa’yo. 

ang sakit sa dibdib

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s