Making me Worse

Kaninang umaga habang naglalakad ako papuntang botika parabumili ng gamot ng anak ko, naisip ko yung sitwasyong kinalalagyan namin ng Papa nya ngayon. Madaming pumapasok sa isip ko at ang ilan doon ay hindi na maganda.

Dumating na ako sa puntong nagiging masyado nang makasarili yung mga naiisip kong gawin. Hindi na din sumusunod ang mga naiisip kong iyon base sa mga prinsipyong sinusunod ko, and it feels like it’s making me worse. Nadi-disregard ko na yung iisipin at mararamdaman ng ibang tao sa mga desisyong ginagawa ko. At napaka-ironic kasi ako mismo yun yung lagi kong pinapayo para hindi ka magkamali sa mga gagawin mo.

Sa ngayon kasi, parang imposibleng idaan sa maayos na paraan ito eh. Ayaw ng mga magulang ko sa kanya, ayaw din nya sa kanila. Ayaw din ng pamilya nya sakin kahit na gusto ko silang kilalanin pa lalo. Para bang kami lang talaga ang may gusto nito. Sana nga lang mapanindigan talaga namin ito.

Sana talaga magkaayos na kahit paano ang mga magulang ko at ang asawa ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s